Home ENTERTAINMENT Baron, balik-bisyo?

Baron, balik-bisyo?

Manila, Philippines – Harinawang fake news ang kumakalat na tsikang ang mahusay na aktor na si Baron Geisler is at “it” again.

Ang “it” na tinutukoy which the actor has reportedly gone back to ay ang kanyang predilection sa alcohol.

Balita kasing sakit daw sa ulo si Baron–that is, kung totoo ngang si Baron ito–sa produksyon ng isang teleseryeng ginagawa.

Ayon kasi sa ilang katrabaho niya: “Mabuti-buti sana kung siya lang ang maaapektuhan! Eh, damay-damay na pati mga kasamahan niya!”

Dahil dito’y wala na raw ibang recourse ang production but to “kill” his character, para tuluyan na siyang dispatsahin.

Pag “OA” daw kasi sa bisyo si Baron, war freak daw ito.

Tipong huwag kang magkamaling humara-hara sa daraanan niya dahil tiyak na may paglalagyan ka!

Again, we hope that these are baseless, unfounded talks dahil mismong si Baron na ang sumumpa that he has completely changed lalo’t pamilyado na siyang tao.

Ang latest daw na nakatikim ng pagiging war freak ni Baron ay ang producer niya ng kanyang pelikula for which he has received rave reviews for his sterling pertormance.

Ang pelikulang tinutukoy ay ang Dollhouse na maging si Aga Muhlach ay napabilib sa husay ni

Baron.

Hindi nga lang daw malinaw kung bakit ang producer nito ang napiling pagtripan ni Baron.

Sana’y agad na maglabas ng reaksyon si Baron denying all these talks doing the rounds of social media.

Ngayong opisyal na siyang tinanggal sa kinabibilangang teleserye, at pagkatapos ay nang-away pa ng film producer ay sino pa ang aasahan niyang magbibigay ng trabaho sa kanya?

Lintek na bisyo na ‘yan, hindi matanggal tanggal! Ronnie Carrasco III

Previous articleMga sundalo sa Cotabato, inayudahan ni Bong Go
Next articlePH dapat mag-invest sa mas maraming naval, air assets – AFP chief