Home ENTERTAINMENT Baron, may ‘kabit’ daw na taga-GMA!

Baron, may ‘kabit’ daw na taga-GMA!

Manila, Philippines- Ogie Diaz was merely quoting his source.

Ito ang pasintabing pinakadiin-diin ni Ogie sa kanyang latest tsika tungkol sa umano’y “the other woman” o kabit ni Baron Geisler.

Ayon sa source ng vlogger cum talent manager, taga-GMA Network, Inc. daw ang babaeng nakilala ni Baron nang mag-guest ang aktor sa Fast Talk with Boy Abunda.

Baron’s one-time guesting on the said show was a couple of weeks or even months ago.

Ayon pa sa source, ang babae whose name is unknown is very much aware sa pananagutan ni Baron.

Ligal na kasal ang aktor kay Jamie Bautista with whom he has two kids.

Dagdag info pa ni Ogie, nakaharap na raw ni Jamie ang babaeng ‘yon.

Cool lang daw si Jamie nang kumprontahin niya ito.

Ipinaunawa lang ni Jamie na hindi tamang pinatulan ng babaeng ‘yon si Baron knowing he’s married and has a family.

“You can insult me all you want!” matapang pa raw na sagot ng babae kay Jamie.

Baron’s wife reasoned out na hindi niya iniinsulto ito but she found the girl’s agreeing to have a relationship with the actor disgusting.

Rason naman daw ng babae, marami raw kasing ipinipintas si Baron sa asawa nito.

Halimbawa’y ang pagtitipid ni Jamie sa pagkain ni Baron.

Kinontra naman ito ni Jamie.

Aniya, ipinagluluto niya si Baron.

Puno rin daw ng mga pagkain ang kanilang ref sa tuwing umuuwi si Baron sa Cebu.

“Naniwala ka naman sa mga kuwento ni Baron sa ‘yo?” buwelta ni Jamie sa babae.

Pero ang nakakaloka raw ay nang matuklasan ni Jamie na handa raw tustusan ng “kabit” ang gastos para ipawalang-bisa ang kanilang kasal.

Tulad ni Jamie ay dalawa rin ang anak nu’ng babae.

Hinihintay ni Ogie ang reaksyon mismo ni Baron patungkol sa kanyang “scoop.”

Akala ba ng lahat ay “reformed” na si Baron? Ronnie Carrasco III

Previous articleP4.3M marijuana winasak sa Ilocos Sur, La Union
Next articleMajor lotto jackpots mailap