Home ENTERTAINMENT Baron, tumaas ang BP kay Cristine!

Baron, tumaas ang BP kay Cristine!

Manila, Philippines- Sa isang interview ni Baron Geisler, sinabi niya na nang kunan ang intimate scene nila ni Cristine Reyes sa reunion movie nila ay nanginig siya.

Hindi raw maiwasan ni Baron na ma-starstruck kay Cristine dahil talagang hinahangaan niya ito pagdating sa aktingan.

Pag-amin ni Baron, feeling daw niya ay tumaas ang kanyang BP (blood pressure) nang naghahanda na siya para sa kissing scene nila ni Cristine sa pelikula.

“I always make sure na kapag…sa bawat eksena namin, kakatok ako sa room niya, talagang nagpapabango ako, nagtu-toothbrush ako, para hindi ako amoy usok,” simulang kuwento ng aktor.

“Tapos nu’ng nabasa ko sa script, may ano nga (intimate scene) kami. Kaya tinanong ko si Cristine kung may kissing scene ba sila ni Empoy (sa pelikulang Kidnap For Romance). Sabi niya, ‘oo’. Lips to lips ba? Sabi niya, ‘oo.’  Oh, swerte ni Empoy, ah.’

“Sabi ko paano siya nakakuha ng confidence? ‘Wala ginawa lang namin’, sabi ni Cristine. Kasi, di ba? Nandu’n sa script (halikan)…nanginginig talaga yung kamay ko,” pag-alala ni Baron.

“Then I talked to Direk, sabi ko, ‘Direk, parang hindi ko kayang gawin ‘to. Para akong mahihimatay. Muntik na ‘kong magpa-check ng BP, walang joke. And it’s not even a torrid (kissing scene).

“Pero dahil nga na-starstruck ako (at hindi na nakapagsalita), sabi talaga sa akin ni Cristine, ‘Tama na yan Baron, tapusin na natin ‘to’, yun, nabuhay ako bigla, nahiya talaga ‘ko. So sabi ko, sige shoot na natin ‘to!” ang natatawa pang chika ng aktor. Rommel Placente

Previous articleAndi, sinita sa throwback pic!
Next articleP12B pondo sa plebesito ‘di pa nagagalaw – Comelec