Manila, Philipppines – Hindi lang direktor ang tingin ni Baron Geisler kay Brillante Mendoza.
The actor has so much respect for the multi-awarded director that he calls him “Tatay.”
Si Baron ang isa sa mga tampok na bituin sa pelikula ni direk Brillante na Moro alongside Piolo Pascal, Laurice Guillen and Christopher de Leon.
Supposedly, pang-MMFF sana ito pero hindi napabilang sa sampung opisyal na kalahok.
Direk Brillante only has nice words for Baron na aniya’y magaling daw.
There were times na para raw hindi ma-late si Baron sa set ng kanilang shoot ay pinatutulog niya ito sa opisina, most especially when the actor was based in Cebu.
Aware ang premyadong direktor sa kinapapaloobang kontrobersya ni Baron particularly his being hooked on alcohol.
Was there an instance during the making of Moro na uminom si Baron sa set?
Ibinisto ng direktor na isang beses lang daw nangyari ‘yon.
Sinita’t pinagsabihan daw niya ang aktor na tigilan ang pag-inom sa set.
In fairness, tumalima naman daw si Baron na hindi na inulit ang ginawa.
Samantala, “nalipat” ng petsa ang pagdiriwang ni direk Brillante ng kanyang kaarawan.
Nakasanayan na raw kasi niyang sine-celebrate ito tuwing July 30.
Pero nang ma-retrieve daw niya ang kanyang nawawalang passport while he was abroad ay tsinek niya ito.
Doon niya nalaman na ang nakasaad na birthday niya sa kanyang birth certificate ay October 30, hence he held a party recently.
Base sa mga kaganapan sa party, wala roon si Baron.
But had the actor showed up, tiyak na okey lang naman kay direk kung magpakalango ito until he dropped.
Party naman ‘yon at hindi shooting! Ronnie Carrasco III