Home NATIONWIDE Basa Air Base runway rehab, natapos na – PAF

Basa Air Base runway rehab, natapos na – PAF

Photo from Gibo Teodoro Facebook Page

MANILA, Philippines – ISANG dedication ceremony ang isinagawa ng Pilipinas at Estados Unidos bilang tanda na nakumpleto na ang rehabilitasyon ng runway ng Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga.

Ito ang itinuturing na pinakamalaking Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) project sa pagitan ng dalawang bansa na nagkakahalaga ng mahigit sa P1.3 billion.

“After less than a year of rehabilitation, with reinforced pavement and improved structural integrity, the runway is now ready to accommodate larger and heavier aircraft, such as the PAF’s cargo planes,” ayon sa kalatas na ipinalabas ng Philippine Air Force (PAF).

Ang isinaayos at pinabuti na runway ay naglalayong tiyakin ang mas ligtas na kondisyon para sa pagsasanay at operasyon ng mga aircraft, lalo na sa panahon ng pagtugon sa mga emergency at kalamidad.

Sa kabilang dako, ang ribbon cutting at blessing ng runway ay sinundan ng low-pass flyby ng apat na FA-50PH aircraft.

Samantala, pinangunahan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at US Deputy Chief of Mission to the Philippines Robert Ewing ang nasabing seremonya.

Dumalo rin sa nasabing event sina Armed Forces of the Philippines chief Gen. Romeo Brawner Jr.; PAF chief Lt. Gen. Stephen P. Parreño; at Lt. Gen. Scott L. Pleus, commander, 7th Air Force, Pacific Air Forces, at iba pang kinatawan mula sa Estados Unidos, lokal na ahensiya ng pamahalaan, iba’t ibang sangay ng AFP, project contractors, at ibang stakeholders. Kris Jose

Previous articlePNP Chief: Walang destab plot vs PBBM
Next articleMangingisda ng Masinloc ‘gutom at galit’ sa Tsina, nagpalayag ng higanteng boya effigy