Home NATIONWIDE Basbas ng Vatican sa same-sex couples ‘self-explanatory’ – CBCP

Basbas ng Vatican sa same-sex couples ‘self-explanatory’ – CBCP

MANILA, Philippine- Sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Miyerkules na ang pahayag ni Pope Francis na nagpapahintulot sa mga paring Katoliko na magbigay ng mga bendisyon sa magkaparehas na kasarian ay self-explanatory.

“In fact, in paragraph 41, What has been said in this Declaration regarding the blessings of same-sex couples is sufficient to guide the prudent and fatherly discernment of ordained ministers in this regard. Thus, beyond the guidance provided above, no further responses should be expected about possible ways to regulate details or practicalities regarding blessings of this type,” sabi ni CBCP president Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa isang abiso.

Dagdag pa na ang deklarasyon ay muling pinagtibay ang turo ng Simbahan sa kasal bilang isang sakramento at hindi masisira na pagsasama na pinasok ng isang babae at isang lalaki.

“This declaration remains firm on the traditional doctrine of the Church about marriage, not allowing any type of liturgical rite or blessing similar to a liturgical rite that can create confusion.”

Samantala, sinabi ni Lingayen-Dagupan Bishop Socrates Villegas na ang magkaparehas na kasarian na naghahanap ng basbas ay tatanggap lamang ng “blessing of mercy.”

Sinabi ni Villegas na ang deklarasyon ay nagbubukas ng posibilidad na basbasan ang mga mag-asawa sa hindi regular na sitwasyon at ang mga magkaparehong kasarian “nang walang opisyal na pagpapatunay ng kanilang katayuan o pagbabago sa anumang paraan sa patuloy na pagtuturo ng Simbahan tungkol sa kasal.”

Noong Lunes, inaprubahan ni Pope Francis ang dokumentong nagpapahintulot sa mga Katolikong pari na basbasan ang mga mag-asawa sa hindi regular na mga sitwasyon kabilang ang mga non-sacramental civil marriages, divorced at remarried union, polygamous bonds, at same-sex union. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleHindilyn nais maging inspirasyon ng batang atleta sa Batang Pinoy
Next articleBagong supply mission sa WPS target ng civilian convoy