Home ENTERTAINMENT Basher, pinagbantaan ang pamilya ni Liza!

Basher, pinagbantaan ang pamilya ni Liza!

193
0

New York, USA – Aminado si Liza Soberano na hangga’t maaari’y nakukuha pa niyamg magtimpi kahit na bina-bash.

Pero hindi ang pagkakataong sukdulang ipagdasal ng isa niyang basher na may mangyaring masama sa kanya at sa kanyang pamilya.

Umabot sa 22 ang bilang ng mga komento ng nag-iisang basher patungkol sa latest vlog sa YouTube channel ng aktres.

May pamagat na A New York Minute, naglalaman ito ng mga aktibidades ni Liza sa New York partikular na ang pag-attend ng isang global event at pictorial para sa isang kasuotan.

Karamihan sa 22 comments na ‘yon ay bastos.

Such comments were believed to have come from Liza’s former loveteam Enrique Gil.

Bukod kay Liza, idinamay rin ng basher ang kanyang manager na si James Reid.

Obyus na fan ng dating ka-loveteam ni Liza na si Enrique Gil ang nag-post ng mga ‘di kaaya-ayang comments.

May tono kasi ng panunumbat ang sunud-sunod nitong posts.

Ayon sa basher, pinakikiusapan niya si Liza na magpakatotoo kung sila pa rin ba ni Enrique o hiwalay na sila.

Hindi matanggap ng basher na taglay na nga ni Enrique ang mga katangian ng isang ideal na lalaki ay kung bakit hiniwalayan pa raw ito ni Liza.

Ipinamukha pa ng basher na kung hindi dahil sa suporta ng mga LizQuen fans sa kanila’y imposibleng sumikat ang aktres.

Kaya raw ba iniwan ni Liza si Quen ay dahil sikat na siya?

Ang hinihingi lang ng basher ay maging honest si Liza.

Nakahanap na raw ba ito ng kapalit ni Enrique?

Pero ang pinakamatindi ay ang diretsahang pagbabanta ng naturang manager.

Ito’y ang hilinging may masamang mangyari kay Liza at sa pamilya nito.

Mukhang sa pagkakataong ‘yon ay natinag na ang aktres.

Pauna niyang sabi, normally daw ay hindi niya ugaling pumatol sa kanyang mga basher.

Pero iba na nga namang usapan kung pamilya na niya ang idinadamay, much less wish her death.

Gayunpaman, mahinahon pa ring sinagot ni Liza ang basher.

Post ng aktres: “Be careful with what you say and do to other people.”

Tama naman si Liza: you don’t wish death upon a person! Ronnie Carrasco III

Previous articleNutri programs pwedeng pondohan ng LGUs gamit ‘shares’ – PCSO
Next article15 container ng “refined sugar” nasabat ng BOC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here