Home HOME BANNER STORY Baste Duterte kay PBBM: Resign!

Baste Duterte kay PBBM: Resign!

MANILA, Philippines – Binanatan ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng pagpapahayag ng pagkadismaya sa mga patakaran ng kasalukuyang administrasyon at hiniling sa Pangulo na bumaba sa pwesto.

“Mr. President, kung wala kang gugma [love] at aspirations para sa iyong bansa, resign!” direktang hamon ni Baste sa Pangulo sa isang forum sa Davao City.

Iginiit din ng bunsong anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte at kapatid ni Bise Presidente Sara Duterte, na bumaba ang bilang ng krimen noong administrasyon ng kanyang ama.

“Ikaw pumalit, it’s your responsibility to keep that up,” hamon pa ng alkalde.

Binatikos din ni Duterte ang foreign policy ni Marcos, na sinasabing inilalagay ng Pangulo sa panganib ang buhay ng mga inosenteng Pilipino habang ang administrasyon ay nagbibigay ng “access” sa Estados Unidos.

Ang pahayag ng alkalde ay dumating ilang araw matapos ipahayag ni VP Sara Duterte na tatakbo siya para sa pampublikong opisina sa susunod na halalan. RNT

Previous articleCombined P100M lotto jackpot ‘di napanalunan
Next articleMilitar nagbabala sa resbak ng Dawlah-Maute sa M’danao