Home NATIONWIDE Bastos na Czech nat’l sa airport, blacklisted sa BI

Bastos na Czech nat’l sa airport, blacklisted sa BI

MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na naglabas sila ng kautusan na naglalagay sa BI blacklist ang isang Czech national dahil sa bastos nitong pag-uugali.

Ayon sa BI, hindi pinapasok ng kanilang mga tauhan sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga ang isang turistang Czech dahil sa bastos nitong pag-uugali matapos magprotesta at tumangging magparehistro sa eTravel system ng bureau.

Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang 55-anyos na si Jaroslav Konsel ay hindi pinapasok noong Enero 23 matapos dumating sakay ng Cebu Pacific flight mula Hongkong.

Sinabi ni Tansingco na itinaboy si Konsel matapos magbitiw ang huli laban sa mga opisyal ng BI na humiling sa kanya na magparehistro muna sa eTravel online system bago siya makapasok sa bansa.

Ayon sa BI, ng pagpaparehistro sa eTravel system ay mandatory para sa lahat ng mga internasyonal na pasahero dahil ito ay isang electronic travel declaration system na tumatanggap at nag-iimbak ng impormasyon at data tungkol sa lahat ng pasaherong papasok at lalabas sa bansa.

Pinalitan nito ang mga arrival at departure card na ginamit ng mga international traveller na pinupunan habang pinagsasama nito ang lahat ng data sa mga pasahero sa isang digital platform para sa lahat ng ahensya ng gobyerno na nangongolekta ng arriving data, kaya nagbibigay ng mabilis at tuluy-tuloy na karanasan sa paglalakbay para sa publiko.

Maaaring punan ang eTravel 72 oras bago ang pagdating sa Pilipinas.

“Reports that he taunted and mocked the immigration officers who were politely explaining to him the eTravel requirement is enough ground for him to be excluded and banned from entering the country,” ani Tansingco.

Nabatid na ang mga empleyado ng airline at immigration ay tinangka umanong tulungan ang nasabing dayuhan na punan ang form ngunit galit niya itong tinanggihan.

Dahil dito, isang kautusan ang inisyu ni Tansingco na naglalagay kay Kornel sa BI blacklist ng mga undesirable aliens. Jay Reyes

Previous articleTensyon sa Taiwan Strait lubos na ikinababahala ni PBBM
Next articlePagdeklarang nat’l shrine sa Quiapo Church ikinatuwa ng Manila gov’t