Home METRO Basurero pinaulanan ng bala sa away-basura!

Basurero pinaulanan ng bala sa away-basura!

267
0

MANILA, Philippines – Sinasabing alitan tungkol sa basura ang dahilan ng pamamaril sa isang mangangalakal ng tumakas na gunman sa Tondo, Maynila nitong Huwebes.

Ang biktimang si Rogelio Ilagan, 38 anyos at residente ng Brgy.128 ay ilang oras pang nakipambuno kay kamatayan habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

Habang ang suspek na nakilalang si Jommel Mallari at kasabwat na si Michael Morales ay patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Sa impormasyon mula sa kapatid ng biktima na si Helen Cruz, may dati nang alitan ang dalawa tungkol pa rin sa kanilang pangangalakal ng basura.

Lagi umanong pinapasok ng biktima ang ruta o teritoryo ng suspek sa Tondo sa pagbabasura kaya nang maispatan ay agad itong binaril. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleHawak-kamay sa simbahan sa ‘Ama Namin’ pwede na ulit – CBCP
Next articleBigtime tulak binitbit sa P21.9M shabu

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here