Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa Batanes nitong Miyerkoles ng umaga habang napanatili ng Bagyong Betty ang lakas nito.
Habang tatlong lugar ang nasa ilalim ng TCWS No. 1, ayon sa PAGASA sa kanilang 11 a.m. bulletin kabilang ang:
– hilagang-silangan na bahagi ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Divilacan, Maconacon, Palanan, Cabagan)
– Apayao
– Cagayan kasama ang Babuyan Islands
Alas-10 ng umaga, namataan si Betty sa layong 375 kilometro silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes na taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 km/h.
Ang malakas na hangin ni Betty hanggang sa lakas ng bagyo ay umaabot palabas hanggang 660 km mula sa gitna, sabi ng PAGASA, at idinagdag na ang bagyo ay kumikilos pahilagang silangan sa bilis na 10 km/h.
Maaaring maranasan ang pag-ulan mula 50 hanggang 100 millimeters sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra at Benguet hanggang Huwebes ng umaga, sabi ng PAGASA. RNT