Home LAGAY NG PANAHON Batanes, Signal No. 2 pa rin sa bagyong Betty!

Batanes, Signal No. 2 pa rin sa bagyong Betty!

491
0

MANILA, Philippines – Nananatiling nasa ilalim ng Signal No. 2 dahil sa bagyong Betty ang probinsya ng Batanes.

Sa 4 a.m. update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 320 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na 150 kilometro kada oras.

Mabagal itong kumikilos sa direksyong north northwest.

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa Batanes.

Samantala, Signal No. 1 naman ang umiiral sa mga sumusunod na lugar:

– Cagayan
– Babuyan Islands
– northern at eastern portions ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Maconacon, Naguilian, Mallig)
– eastern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Marcos, Pagudpud, Banna, Adams, Carasi, Dingras, Solsona, Dumalneg, Nueva Era)
– Apayao
– northern portion ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal)
the northeastern portion of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)

Dahil dito, makararanas ng malakas na ulan at pagbugso ng hangin ang Batanes at Cagayan.

Ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa southwest monsoon o Habagat at bagyong Betty.

Magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang nalalabing bahagi ng bansa dahil di sa southwest monsoon.

Inaasahan ang accumulated rainfal mula ngayong araw, Mayo 31 hanggang bukas ng hapon, Hunyo 1 sa 50-100 mm sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra at Benguet. RNT/JGC

Previous articlePhilippines 4-Digit Game – 31 May 2023
Next articlePaolo, may reaksyon sa engagement ni LJ!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here