Home METRO Batang babae kinatay ng ‘pastor’ dahil sa lansones

Batang babae kinatay ng ‘pastor’ dahil sa lansones

ILIGAN CITY- TUGIS ngayon ng mga awtoridad ang isang nagpapakilalang pastor na utak sa karumal-dumal na pagpatay sa 7-anyos na batang babae dahil lamang sa puno ng lansones, iniulat Sabado sa bayan ng Digkilaan.

Kinilala ang suspek na si Alcomendeda Colaljo, habang hawak naman ng pulisya ang menor de edad na lalaki na umamin kasabwat ni Colaljo sa krimen.

Hustisya naman ang sigaw ng mga magulang ng biktimang si Marian Superales, grade 1 pupil ng San benito S. Ong Memorial School at residente ng Purok 7 Malaigang, Digkilaan, Iligan City.

Batay sa report ng Digkilaan Police Station 6, umamin sa kanila ang menor de edad na lalaki na kasabwat siya sa pagpatay kay Superales matapos nilang pagtulungan pagtatagain, ginilitan at binagsakan ng malaking bato sa mukha.

Sinabi ng suspek na itinago sa pangalan Totoy, nagalit si Colaljo sa biktima dahil pinakialaman nito ang puno ng lansones.

Huling namataan ang suspek sa Bukidnon at nagpapakilala na isa itong pastor./Mary Anne Sapico

Previous articleNBA legend Kareem Abdul-Jabbar nabalian ng balikang
Next articleMolino-Daang Hari Flyover bukas na!