Home METRO Batang City Jail member pinasok sa loob ng bahay saka tinodas!

Batang City Jail member pinasok sa loob ng bahay saka tinodas!

MANILA, Philippines – Umalingawngaw ang dalawang putok ng baril ang narinig ng isang nagsalaysay na testigo, at tumambad ang wala ng buhay na miyembro ng Batang City Jail ( BCJ) nitong Huwebes ng madaling araw, Disyembre 28, sa panulukan ng Calamansi at Quezon Streets, Tondo, Manila.

Kinilala ang biktimang si Ardie Rico, may ka live in, tambay ng Pilapil Street, Tondo.

Base sa ulat ng pulisya, bandang 12:55 ng madaling araw,nang makarinig ng dalawang putok ng baril ang isang Roland Tanael.

Nang buksan nito ang pinto, bumulaga sa kanya ang biktima na naliligo ng dugo.

Dahil dito, agad nitong ipinagbigay alam sa caretaker ng Apartment na siya namang ini-report sa Don Bosco Police Community Precinct sakop ng MPD- Station 1.

Sa panayam sa kapatid ng biktima ang kanyang kuya ay nasasangkot sa iligal na droga.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. Rene Crisostomo

Previous articleIsang buwang pork ban idineklara sa S. Leyte town vs ASF
Next article19-anyos himas-rehas sa P340K tobats