Home METRO Batang lalaki nalitson sa kandila

Batang lalaki nalitson sa kandila

ILOILO CITY- NALITSON ng buhay ang isang batang lalaki matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay dahil sa napabayaan nakasinding kandila, nitong Lunes sa bayan ng Anilao.

Halos hindi na makilala ang batang Martinez sanhi ng pagkasunog ng buong katawan nito habang nasa ospital ang kanyang inang buntis matapos magtamo ng 2nd degree burn.

Batay sa report ng Bureau of Fire Protection Anilao, bandang 8:00 PM ng maganap ang krimen sa nasabing lugar.

Kwento ng ama na si Gary Martinez, 32-anyos, umiinom siya sa kanilang bahay at nagsindi ito ng kandila na ipinatong sa plastik ng lamesa at nakatulugan niya ito.

Tinangka naman ng ina na isalba ang anak subalit tuluyan na itong nilamon ng apoy./Mary Anne Sapico

Previous articleNFA warehouses ‘di naman dapat isara sa gitna ng imbestigasyon – Ombudsman
Next articleP1.3M shabu nasamsam