Home NATIONWIDE Batangas inuga ng M-4.9 na lindol

Batangas inuga ng M-4.9 na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Batangas nitong Sabado ng hapon, Enero 20.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa kanluran ng Tingloy, Batangas.

May lalim itong dalawang kilometro at tectonic in origin.

Naitala naman ng ahensya ang mga sumusunod na intensity sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV
Batangas – Balayan, Bauan, Calaca, Calatagan, Lemery, Mabini, San Luis, San Pascual, Taal, at Tingloy

Intensity III
Makati City
Batangas – Agoncillo, Alitagtag, Batangas City, Cuenca, Laurel, Lian, San Jose, at Tuy
Cavite – Alfonso, Mendez-Nuñez, at Tagaytay
Oriental Mindoro – Puerto Galera

Intensity II
Quezon City
Batangas – Lipa, Malvar, Nasugbu, Sto. Tomas, Talisay, at Tanauan
Cavite – Silang
Oriental Mindoro – Calapan

Intensity I
Lungsod ng Maynila
Occidental Mindoro – Abra De Ilog

Habang naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity V
Batangas – Lemery at San Luis

Intensity IV
Batangas – Batangas City, Cuenca, Laurel, Mataasnakahoy, at Santa Teresita
Cavite – Tagaytay

Intensity III
City of Manila
Muntinlupa City
Batangas – Lipa City
Laguna – Los Baños
Quezon -Dolores
Oriental Mindoro – Calapan at Puerto Galera

Intensity II
Malabon City
Marikina City
Batangas – Rosario
Cavite – Carmona at Magallanes,
Laguna – San Pablo

Intensity I
Las Piñas City
Navotas City
Pasig City
Bulacan – Pandi
Batangas – Malvar at Talisay
Cavite – Naic
Quezon – Lucban, Mauban, at Polillo
Marinduque – Boac
Occidental Mindoro – Abra De Ilog

Wala namang inaasahang pinsala o aftershock sa naganap na lindol. RNT/JGC

Previous articleMga opisyal ng barangay na sumali sa Cha-cha signature drive, kakastiguhin ng DILG
Next articleCarpio may babala sa people’s initiative, posibleng magdulot ng constitutional crisis