Home NATIONWIDE Batas na ‘di na kailangan ng IRR, isinusulong

Batas na ‘di na kailangan ng IRR, isinusulong

MANILA, Philippines – Itinutulak ni outgoing Senate Blue Ribbon Committee Chair Sen. Francis Tolentino ang legislative measures na maging self-executory at magiging epektibo matapos mailathala nang hindi na kailangan ang Implementing Rules and Regulations (IRR).

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ng senador na inilabas nila ang pagbabago sa batas.

“We have a bill which contain in its final section on the effectivity date. This laws shall become effective 15 days after each publication in the Official Gazette or in a newspaper of general circulation,” pahayag ng senador.

Umaasa si Tolentino na ito na ang magiging template sa lahat ng mga batas sa hinaharap nang hindi na kailangan ng IRR.

“Without the need of IRR–for the first time in the history of the Republic of the Philippines,” dagdag pa ni Tolentino.

Ayon kay Tolentino, nasabi aniya nito dahil kalimitan, ang mga IRR ay nagpapagulo dahil binabago ang laman kung kailan ito ipapatupad.

Kapag hindi aniya nagawa ang IRR ay hindi rin naipapatupad ang mga batas kaya marami ang nagkawindang-windang dahil sa IRR.

“Ngayon meron na tayong batas and I hope this will be the template–bawal na ang IRR, hindi na kailangan– it’s self executory,” saad pa ng senador.

Sinabi rin ni Tolentino na dapat hindi na makialam pa ang executive at huwag gumawa ng sarili nilang batas kundi ipatupad lamang ito.

“Sa mga executive huwag na makialam sa batas.Huwag gumawa ng sariling nyong batas. Ang gawin n’yo ipatupad lang yung batas– yan yung kanilang sinumpaang tungkulin,” dagdag pa ng senador.

Ito ang inihayag ni Tolentino makaraang banggitin ang pagbabago na kanyang naiambag kung saan ginawa ang kamakailang inaprubahang Senate Bill No. 2432 na kilala bilang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na self-executory. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleWanted na lolong nang-abuso ng apo, nadakma ng mga parak sa Obando
Next article2 drug suspect inabswelto ng SC sa ‘di pagsunod ng PDEA sa chain of custody