Home HOME BANNER STORY Batas na nagpapalawak sa kapasidad ng 7 HEIs, tinintahan ni PBBM

Batas na nagpapalawak sa kapasidad ng 7 HEIs, tinintahan ni PBBM

MANILA, Philippines – NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pitong legislative measures para palakasin at palawigin ang kapasidad ng pitong higher education institutions (HEIs).

Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang mga bagong batas ay nilagdaan noong Disyembre 20, 2023 at magiging epektibo, 15 araw matapos na mailathala ito sa Official Gazette, o pahayagan na may general circulation.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11968, pinayagan ni Pangulong Marcos ang conversion ng San Isidro Satellite campus ng Leyte Normal University (LNU) sa San Isidro, Leyte sa regular campus, na tatawagin bilang “LNU-San Isidro Campus.”

Tinintahan din ng Pangulo upang maging ganap na batas ang RA No. 11969, na naglalayong i-convert ang Bataan Peninsula State University (BPSU)-Bagac Extension Campus sa Bagac, Bataan sa isang regular campus na makikilala bilang “BPSU-Bagac Campus.”

Pinirmahan din ng Punong Ehekutibo ang mga batas na magtatatag sa Colleges of Medicine gaya ng Benguet State University-College of Medicine (RA 11970) sa La Trinidad, Benguet, at Southern Luzon State University-College of Medicine (RA 11971) sa Lucban, Quezon.

Sa ilalim ng bagong nilkhang batas, maaari nang ituloy ng HEIs na mag-alok ng Doctor of Medicine Program, kabilang na ang Integrated Liberal Arts and Medicine Program para i-develop ang grupo ng mga professional physicians at tumulong na palakasin ang healthcare system ng bansa.

Samantala, tinintahan din ng Punong Ehekutibo upang maging ganap na batas ang RA No. 11973, na magtatatag ng Bicol University-College of Veterinary Medicine sa Ligao City, Albay para makapag-produce ng pulutong o grupo ng mga professional veterinary physicians na dalubhasa sa “prevention, diagnosis, treatment, at control of animal diseases” kabilang na ang terrestrial at aquatic animals.”

Ang kompletong mga kopya ng bagong nilagdaang batas ay accessible sa Official Gazette. Kris Jose

Previous articleNon-consolidated jeepneys pwede pa ring bumyahe sa ilang ruta ‘gang Enero 31, 2024
Next article2 NPA rebels na napatay sa engkwentro sa Cagayan, tukoy na