MANILA, Philippines – TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes ang bagong Agrarian Emancipation Act.
Layon nitong payagan ang amortisasyon o pagbabayad ng utang sa pamamagitan ng mga hulog o paghuhulog o proseso ng pagbabawas ng isang halaga sa loob ng isang panahon sa “principal payments, interest at penalties” sa lupaing binubungkal o sinasaka ng mga magsasaka.
Ang bagong batas, o Republic Act No. 11953, mapapakinabangan ng 610,054 agrarian reform beneficiaries (ARBs) dahil mababawasan nito ang P57,557 billion ng kanilang mga hiniram o inutang.
Ang mga magsasaka aniyang ito ay nagbubungkal o nag-aararo ng may kabuuang 1,173,101.57 ektarya ng agrarian reform lands
“Upon the effectivity of this Act, the individual loans of ARBs, including interests, penalties and surcharges, secured under the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) or from other agrarian reform programs or laws, are hereby condoned and written off by the government, thereby relieving them from the burden,” ang nakasaad sa batas.
Sa ilalim ng batas, “the Department of Agrarian Reform (DAR) shall move for the dismissal of all actions pending with the courts relating to the collection of unpaid principal and interests over agricultural lands covered by agrarian reform laws.”
Winika pa ng DAR na ikokonsidera ng pamahalaan ang obligasyon ng 10,201 agrarian reform beneficiaries na nagbubungkal ng 11,531.24 ektarya ng lupain.
Babayaran din ng gobyerno ang natitirang balanse ng direct compensation na due o itinakda sa mga landowners sa ilalim ng Voluntary Land Transfer (VLT) o Direct Payment Scheme (DPS) na nagkakahalaga ng P206,247,776.41.
Samantala, sinabi naman ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na ang bagong Agrarian Emancipation Act ay malaking hakbang para makamit ang layunin ng administrasyong Marcos para sa food security ng bansa.
“It will also give importance to the farmers whom Filipinos depend on for their daily nourishment,” ayon kay Estrella. Kris Jose