Home NATIONWIDE Batas para sa motorcycle taxis pinabibilis na!

Batas para sa motorcycle taxis pinabibilis na!

Mahaba ang pila ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel Mega Q-Mart Station sa Quezon City nitong Martes matapos magdulot ng pagkaantala ang nakasabit na sagabal sa footbridge sa pagitan ng Magallanes at Taft stations ng MRT-3, dahilan upang humaba rin ang pila sa ilang istasyon ng tren. Danny Querubin

SINABI ni Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na priority measure na ni Speaker Martin Romualdez ang mga panukala upang maging ganap na legal ang motorcycle taxis bilang isang alternative public transport.

Sa press statement ng LCSP nabatid kay Inton na sa ngayon ay pinapayagan ang motorcycle taxi na pumasada sa isang pilot test run na pinangangasiwaan ng isang Technical Working Group.

Kaungnay nito suportado rin ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya’t malapit-lapit na.

Ayon kay Inton sa House of Representatives ay may House Bill No. 3412 na ang may akda ay sila Cong. Ramon Rodrigo Gutierrez at Cong. Bonifacio Bosita. Sa Senado naman ay suportado ang pagsasa ligal ng motorcycle taxis ng mga senador.

Sinabi nga ni Senadora Grace Poe “Its time to legalize motorcycles as taxis”.

Samantala malaking bahagi ng kasaysayan ng motorcycle taxis ang founder ng Angkas na si George Royeca. Halos dumaan sa butas ng karayom ang mama at kanyang mga kasama para maipaglaban ang app-based motorcycle taxis.

Idinagdag pa ng Lawyers Commuters na dahil sa transport innovation na ito ay libo ang nagkaroon ng hanapbuhay at daan-daang libo na pasahero ang napag silbihan. Marami na rin kumpanya ang gumaya sa Angkas. Kaya naman mahala ang batas para maging malinaw ang polisiya ng motorcycle taxis at hindi maging mapanganib ito para sa mga mananakay.

Samantala habang nasa pilot test ang motorcycle taxis ay inaasahan naman natin na maging malinaw ang mga polisiya ng TWG habang naghihintay tayo ng Batas. Santi Celario

Previous articleParak patay sa sagasa ng pick-up
Next articleKalahating kilong shabu nasabat sa buy-bust