Home NATIONWIDE Batas sa libreng edukasyon sa kolehiyo, magandang hakbang vs kahirapan

Batas sa libreng edukasyon sa kolehiyo, magandang hakbang vs kahirapan

MANILA, Philippines – Susi para malabanan ang kahirapan ay ang patuloy na implementasyon ng batas na nagbibigay ng libreng pag-aaral sa Kolehiyo.

Ang tugon na ito ni Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III nitong Miyerkules, Agosto 23, ay nang matanong siya ng mga mambabatas kung sumasang-ayon ba siya sa komento ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang Universal Access to Quality Tertiary Education law o free college education sa state-run universities at colleges ay isang “unsustainable program” at anti-poor.

“Our role is to implement the law, and as I have said in our presentation, the highest return of investment, at 17%, is gained from a student who finished college. It is 7% for a student who finished secondary education, and 10% for a student who finished primary education. That [figure] should already alert us to invest in higher education,” sinabi ni de Vera.

“That is the best anti-poverty strategy: we educate the young and make them employable. When and how will we produce highly skilled manpower if we do not fund higher education? If we do not fund higher education, then we would be at the disadvantage,” dagdag pa niya.

Pagpapatuloy, sinabi ng opisyal na ang free college education law ay nagpataas sa participation rate o percentage ng college age population, edad 15 hanggang 25 na naka-enroll sa baccalaureate programs sa higher educational institutions (HEI) sa 42% para sa school year 2022 to 2023 mula sa 32% noong 2016 hanggang 2017 o bago maipasa ang batas noong 2018.

“The results are there. The participation rate has significantly increased,” ani de Vera.

“This is a documented phenomenon, and this ensures that the [future] children of these students won’t experience the same poverty they experienced. I don’t think anything is better than investing in our young,” dagdag pa niya.

Pinuna naman ni Kabataan party-list Representative Raoul Manuel si Diokno sa naturang komento sa pagsasabing ang access sa de-kalidad na edukasyon ay isang karapatan at hindi prebilehiyo.

“Ang edukasyon ay karapatan at hindi ito kailanman naging ‘investment’ lamang o pribilehiyo na binibigay lang sa mga karapat-dapat. Kung gusto natin na mabigyan ng pagkakataon ang mas marami pang mga kabataan na makapag-aral sa ating SUCs, marami tayong posibleng sustainable na pagkukuhanan ng pondo para rito,” giit ni Manuel, isa sa mga may-akda ng free college education law.

“Sa pagkwestyon ng isang Cabinet official sa ‘sustainability’ ng free higher education at sa P6.16 billion na kaltas sa pondo ng ating SUCs, tila hindi prayoridad ng ating gobyerno ang pagpaaaral sa ating mga mag-aaral. Kung tunay ngang binibigyang-halaga ng administrasyon ni Marcos Jr. ang sektor ng edukasyon, hindi nila talaga dapat titipirin ang pondo para rito,” dagdag pa ni Manuel. RNT/JGC

Previous articleMga kalsadang daraanan ng mga manlalaro sa FIBA World Cup inaayos na ng DPWH
Next article2 adik timbog sa cara y cruz at shabu sa sementeryo