Home HOME BANNER STORY Batas sa pagpapataas ng disability pension ng military veterans, tinintahan ni PBBM

Batas sa pagpapataas ng disability pension ng military veterans, tinintahan ni PBBM

MANILA, Philippines – TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na naglalayong itaas ang disability pension ng mga military veterans.

Ito ang nakasaad sa Republic Act No. 11958 o “An Act Rationalizing The Disability Pension Of Veterans, Amending For The Purpose Republic Act No. 6948, Entitled, An Act Standardizing and Upgrading The Benefits For Military Veterans And Their Dependents, As Amended”, nilagdaan nito lamang araw ng Huwebes, Agosto 24.

Sa ilalim ng bagong batas, ang isang beterano na disabled dahil sa sakit,  karamdaman, sugat o pinsala na natamo habang nasa “line of duty” ay dapat na bigyan ng monthly disability pension ayon sa “prescribed rates.”

Ang disability base rate para sa military veterans na naging disabled o nabaldado “in the line of duty” ay itataas ng P4,500 mula sa P1,000.

Idagdag pa, ang mga beterano na nakatatanggap ng  P1,700— itinuturing na “highest disability rating” ay makatatanggap ng P10,000 o increase na P8,300,  katumbas sa  488% habang ang P500 monthly pension para sa asawa at sa bawat  unmarried minor child ay makatatanggap naman ng  P1,000.

Samantala, pinirmahan din ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 11960 o “An Act Institutionalizing The One Town, One Product (OTOP) Philippines Program, Appropriating Funds Therefor, And For Other Purposes, otherwise known as the OTOP Philippines Act.”

Layon ng bagong batas na i-develop ang self-reliant at independent national economy na epektibong kontrolado ng mga Filipino sa pamamagitan ng mga polisiya at programa na “that drive inclusive local economic activity and boost national economic growth.”

Layon din nito na magbigay ng sapat at epektibong serbisyo para sa local micro, small and medium enterprises (MSMEs) na pinangungunahan ng  Department of Trade and Industry (DTI) sa pakikipagtulungan sa ibang ahensiya gaya ng Cooperative Development Authority (CDA) and the Department of Agriculture (DA).

Nilagdaan din ng Pangulo ang Republic Act No. 11961 o “An Act Strengthening The Conservation And Protection of Philippine Cultural Heritage Through Cultural Mapping And Enhanced Cultural Heritage Education Program, amending for the Purpose Republic Act No. 10066,” o mas kilala bilang The National Cultural Heritage Act of 2009. Kris Jose

Previous articleSpecial team binuo ng OSG sa usapin sa WPS
Next articleMga Pinoy mapoprotektahan sa revised departure guidelines – DOJ