Home METRO Batikang kolumnista dinampot ng NBI

Batikang kolumnista dinampot ng NBI

MANILA, Philippines- Kasong Illegal Recruitment at ” Estafa” ang kinahaharap na kaso ng batikang kolumnista at dating broadcaster sa TV Station, na binitbit ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ( NBI) sa Ninoy Aquino International Airport nitong nakaraang July 18, 2023.

Mula sa NBI detention cell, inilipat sa Quezon City Jail si Jose Sonza aka “Jay.”

Base sa ulat na isinumite kay NBI Director Medardo De Lemos, nahuli si Sonza sa airport na patungo sana sa Hongkong.

Dahil dito, hinarang ito at inalam sa Bureau of Immigration kung ito ang may kinahaharap na kaso saka dinala sa NBI.

Si Sonza ay inirereklamo sa 2 counts ng Large Scale Illegal Recruitment at Estafa. Rene Crisostomo

Previous articleKapartido ni Teves sa expulsion ng suspendidong solon: Patas lang
Next articleOnline training bilang paghahanda sa BSKE 2023 inilunsad ng PNP