Home NATIONWIDE Bato kay BBM: Magpakalalaki sa ICC probe; ‘Ano ba talaga, kuya?’

Bato kay BBM: Magpakalalaki sa ICC probe; ‘Ano ba talaga, kuya?’

MANILA Philippines – Kahit sinasabi nitong dedma siya, hiniritan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang gobyerno ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpakalalaki at sabihin sa kanya ang tunay na posisyon sa imbestigasyon ng International Criminal Court’s (ICC) sa madugong  war on drugs.

“What I am asking from this government is to be man enough, to please tell us what is the real score,” Dela Rosa said in a news conference on Monday.

“Sabihin lang, wala namang problema diyan. Wala lang patalikod na transaksyon,” giit niya.

Kumakalat sa social media na nakapasok na sa bansa ang ICC investigator noong nakaraang Disyembre at natapos ang imbestigasyon nito sa  anti-drug campaign ni dating  President Rodrigo Duterte.

Pero, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Enero 3 na walang kontak ang ICC at DOJ hinggil sa naturang impormasyon.

Naunang inihayag ni Remulla na hindi pipigilan ng Marcos administration ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa war on drugs na ipinatupad ni Dela Rosa bilang dating hepe ng Philippine National Police (PNP), kung susundin ang prosesong legal ng Pilipinas.

 Samantala, inihayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV na natapos na ang imbestigasyon ng ICC at malapit nang magpalabas ng arrest warrant ang ICC laban kina Duterte, Dela Rosa at iba pang sangkot sa madugong war on drugs.

Pero, ayon kay Dela Rosa, hindi nito paniniwalaan ang tsimis kung walang Kumpirmasyon sa gobyerno ni Marcos.

Dahil dito, umapela ang mambabatasa Palasyo sa pagsasabing: “Kapag sinabihan mo ako noon na hindi sila pwedeng pumasok at ngayon nagbago yong ihip ng hangin pumayag na kayo na pumasok, please tell us. You are our president. You are our leader. Tell us so that we will know what to do.”

“I hope this government is kind enough to inform us. After all, we are citizens of this republic and we need protection from our government kung kinakailangan namin, ‘di ba?, aniya saka sinabing parang sinaksak siya sa likod kapag pumayag ang gobyerno na makapasok ang ICC investigators.

Tiniyak naman ni Dela Rosa, sinasabing lead implementer ng madugong war on drugs na hinihinalang umabot sa mahigit 20,000 ang napatay na indibiduwal na sangkot sa droga, ,kabilang ang ilang inosenteng menor de edad na kundi man direktang pinatay ng pulis, nadamay sa operasyon.

Noong nakaraang taon, inihayag ng  ICC Appeals Chamber na pinayagan ICC prosecutor na ipagpatuloy ang imbestigasyon na nagbabasura sa apela ng Pilipinas laban sa pagpapatuloy nito.

“Dedma lang. Hayaan mo lang sila kung ano gusto nilang gawin. Hindi ako na-surprise. Hindi ako concerned. Hindi ako nababagabag,” ayon kay Dela Rosa. Ernie Reyes

Previous articlePagtanggap ng mga pirma sa People’s Initiative dinepensahan ng Comelec
Next articleBato, Digong irerepesenta ni Roque sa posibleng ICC probe