Home NATIONWIDE Bato lumuhod, nagmakaawa sa pulis: P6.7B drug haul, aminin na

Bato lumuhod, nagmakaawa sa pulis: P6.7B drug haul, aminin na

727
0

MANILA, Philippines – Literal na lumuhod si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa ginanap na imbestigasyon ng Senado saka nakiusap sa pulis na ilantad ang katotohanan sa P6.7 bilyong drug haul sa Maynila noong 2022.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, lumuhod si Bato, chairman ng komite at dating hepe ng pambansang pulisya, sa kasamahan na sangkot sa pagdakip kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. noong October 2022.

Nagsilbi si Mayo bilang intelligence officer ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group, na dinakip ng awtoridad matapos makumpiska ang mahigit 990 kilo ng shabu na tinatayang aabot sa halagang P6.7 bilyon sa serye ng anti-drug operations sa Maynila.

“Please. Magsalita na kayo. Maawa kayo sa Pilipinas. Magluhod ako sa harapan ninyo, magsabi na kayo ng totoo. Luhod ako. Hindi ito power tripping ha. Nagpapakumbaba na ako para ilabas ang katotohanan alang alang sa mga anak ninyo,” ayon kay Dela Rosa.

Naunang kinasuhan ng contempt si Mayo kasama ang opisyal nitong si Lieutenant Colonel Arnulfo Ibañez.

Kinasuhan din ng contempt ang iba pang pulis mula sa Calabarzon region, na sina Police Master Sergeant Carlo Bayeta, Patrolman Rommar Bugarin, Patrolman Hustin Peter Gular, Patrolman Hassan Kalaw, at Patrolman Dennis Carolino, dahil nagmamatigas itong ibahagi ang impormasyon sa pagkaka-aresto ni Mayo sa Bambang, Maynila noong nakaraang taon. Ernie Reyes

Previous articleNabalam na medical workers benefits ‘di totoo – DBM
Next articleIlang lugar sa Northern at Central Luzon binayo na ng malakas na ulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here