MANILA, Philippines- Sinabi ni dating national police chief Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nitong Sabado na ang mga kaso hinggil sa deadly drug war ng Duterte administration ay dapat ihain sa Philippine courts, hindi sa International Criminal Court.
Ito ang inihayag ni Dela Rosa, unang nagsagawa ng anti-narcotics campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos sabihin ni forensic pathologist Raquel Fortun na handa siyang iprisenta ang kanyang bagong findings sa drug war victims sa ICC, na nag-iimbestiga sa drug war.
“Kung totoo ‘yang findings ni Fortun, ipa-file. May NBI naman tayo nag-conduct ng investigation. I-file ‘yan. Kaya nga nag-imbestiga siya para makakuha tayo ng ebidensiya. I-file niya dito sa ating korte, hindi doon sa ICC. Wala silang jurisdiction sa atin,” pahayag ni Dela Rosa.
“Puwede n’yo akong bitayin any time ‘pag na-prove n’yo diyan na ako’y nagkakasala. You can hang me in front of the Filipino people. You can hang me through the decision of the Filipino courts. But my god, not by a foreigner,” dagdag niya.
Ayon sa ICC, hindi sapat ang pagsisikap ng Manila na imbestigahan ang umano’y mga krimen sa Pilipinas.
“Bakit? Nag-file ba si Fortun doon sa ICC? Kung doon ka sa ICC, para mong sinampal ‘yung ating kasarinlan ‘yung ating soberenya,” anang senador.
“Bakit? Di ba gumagana ang ating korte?”
Nitong Enero 26, ipinagpatuloy ng ICC ang imbestigasyon nito sa drug war at Davao Death Squad killings sa Pilipinas.
Mahigit 6,000 drug suspects ang napatay sa police operations sa bansa sa termino ni Duterte mula 2016 hanggang2022, ayon sa mga awtoridad, batay sa official tallies.
Subalit, ayon sa rights groups, posibleng umabot ito sa 30,000. RNT/SA