Home NATIONWIDE Bato sa pagbabalik ng Pinas sa ICC: Dapat maghanda ako

Bato sa pagbabalik ng Pinas sa ICC: Dapat maghanda ako

MANILA, Philippines- Inihayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa nitong Biyernes na dapat nitong paghandaan ang anumang “eventuality” upang harapin ang posibleng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).

Inihayag ito ni Dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police (PNP) at chief implementer ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos tanungin hinggil sa Ipinalutang na pagbabalik ng bansa sa sakop ng ICC.

Kabilang si Dela Rosa kasama si Duterte at iba pang personalidad na iniimbestigahan ng ICC nang pangalanan siya sa crimes against humanity complaint na inihain sa international body.

“I feel that I should be ready for any eventuality because the political situation in the Philippines is very fluid, so I have to be ready,” ayon kay Dela Rosa sa sidelines ng Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF).

Aniya, kanyang irerespeto ang anumang desisyon ng Pangulo dahil siya ang chief architect ng foreign policy, “so it is within his discretion” kung papayagan ang pagpasok ng ICC sa Pilipinas.

“As I said I am ready to face Filipio courts. Im willing to be tried by the Filipino courts. But by a foreign body I’m not willing,” giit niya.

“It is not an indicator na lalayasan ko kayo. Baka sabihin nyo sisibat na si Bato. Hindi ako llalayas. Harapin ko yan. Pag sinabi ng ating korte harapin mo yan dito ka samen humarap then hahaharapin ko yan,”paliwanag pa ni Dela Rosa.

Hindi lamang umano siya ang nagulat sa pagbabagong tugon ni Pangulong Marcos na bumalik sa hurisdiksiyon ng ICC.

“If the President says categorically that he is allowing ICC to come in and make the investigation then that’s backpedalling. But when he says just studying maybe there are a lot of possibilities when he says study,” ayon sa mambabatas.

Aniya, hindi nito lalabanan ang gobyerno kung haharap siya sa anumang kaso o imbestigasyon.

“It’s useless fighting the government. Hindi ako lalaban sa gobyerno,” aniya. Ernie Reyes

Previous articleAiko, may panawagan sa mga senador!
Next articleDQ petition vs Smartmatic ipinababasura sa Comelec