Home HOME BANNER STORY Bato sa Pinoy supporters ng ICC probe: ‘They do not love this...

Bato sa Pinoy supporters ng ICC probe: ‘They do not love this country’

MANILA, Philippines – Dismayado si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa mga Filipino na sumusuporta sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war ng nakaraang administrasyon.

Aniya, isinusuko ng mga ito ang soberanya ng Pilipinas sa mga dayuhan.

Si Dela Rosa ang nanguna sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang siya ay maging hepe ng Philippine National Police noong 2016 hanggang 2018.

“Ewan ko bakit itong mga bleeding hearts gustong-gustong i-surrender yung atin sovereignty doon sa foreign bodies. Hindi sila nagmamahal sa ating bansa. They do not love this country. Gusto nilang babastusin yung ating mga korte,” pagbabahagi ni Dela Rosa sa panayam ng ANC.

Iginiit ng senador na epektibo ang mga lokal na korte upang panagutin ang sinumang lumalabag sa human rights sa nagdaang drug war.

“Ang ating korte ay gumagana. Bakit naman ganon ang pag-iisip natin,” ani Bato.

“Siguro ang mga Pilipino na ito [dapat] pakantahin natin ng 1,000 times ng Bayang Magiliw,” dagdag pa ng senador.

Samantala, aminado naman si Dela Rosa na natatakot siya na ikandado ng ICC dahil mamimiss niya ang kanyang mga apo.

“Hindi ako takot na sabihin mo meron akong na-commit na kasalanan, no, takot ako na makulong dahil kawawa yung mga apo ko, hindi ko na makikita,” ani Dela Rosa.

“Buti kung makulong ka lang dito sa Pilipinas. Eh ikukulong ka don sa The Hague. Ano ngayon? Paano makabisita mga apo ko. They will grow up lolo-less. So kawawa naman mga apo ko. I love my apos so much,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya tutulungan ang ICC sa isasagawa nitong imbestigasyon sa bansa. RNT/JGC

Previous articleLee, nasa Pinas pa; Pokwang, balak magpa-Tulfo!
Next articleTulak arestado sa P340K shabu sa Valenzuela