MANILA, Philippines – Asahan na naman ang muling pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo partikular na ang diesel at kerosene sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy nitong Biyernes, Pebrero 10, inaasahan ang rollback na P2.39 kada litro sa diesel, P0.11 naman sa kada litro ng gasolina at P2.37 kada litro na rollback sa kerosene.
Inaasahan na iaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang pagbaba sa presyo sa Lunes, Pebrero 13 at ang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo naman ay ipatutupad sa Martes, Pebrero 14. RNT/JGC