Home NATIONWIDE Bawas-presyo sa petrolyo sa sususod na linggo ‘di pa tiyak

Bawas-presyo sa petrolyo sa sususod na linggo ‘di pa tiyak

MANILA, Philippines – Hindi pa tiyak kung matutuloy ang inaasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil sa ‘conflicting factors’ na nakaapekto sa petroleum trading sa international market.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero nitong Biyernes, Marso 15, ang oil trading sa nakalipas na apat na araw
“gives uncertainty on the amount of adjustments in the prices of petroleum products.”

Batay sa pagtaya, posibleng hindi gumalaw o magkaroon ng P0.10 na pagtaas sa presyo ng gasolina, pero posible rin ang rollback na P0.10 sa kada litro nito.

Para sa diesel, inaasahan ang bawas-presyo na P0.20 hanggang P0.40 kada litro.

Ang kerosene naman ay posibleng “no change or rollback of P0.10 [per liter].” RNT/JGC

Previous articleOperasyon ng MRT3 suspendido sa Semana Santa
Next articleIsyu sa Chocolate Hills resort bubusisiin na rin ng Ombudsman