Home NATIONWIDE Bayan abswelto sa reklamo sa effigy-burning

Bayan abswelto sa reklamo sa effigy-burning

MANILA, Philippines- Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamo laban kay Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) president Renato Reyes Jr. at artist na si Max Santiago sa pagsunog sa effidy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang kilos-protesta kasabay ng ikalawang State of the Nation Address.

Ibinahagi ni Reyes ang resolusyon na nilagdaan noong Jan. 8 sa social media platform X nitong Huwebes.

Nakasaad sa resolusyong nilagdaan ni Senior Assistant City Prosecutor Jaime Villanueva na ibinasura ang reklamo dahil “no probable cause to indict respondents.”

“No clear evidence was presented to show that the respondents were the ones responsible for the burning of the effigy,” anito pa.

Bagama’t walang pruwebang isinumite na nagtuturo kina Reyes at Santiago, sinabi ng prosecutor’s office na “there is no doubt that an effigy was maliciously burned during a public assembly…”

Sa kanyang post, ikinatuwa ni Reyes ang desisyon subalit sinita ang mga komento sa kilusan.

“We consider this a legal victory but with a caveat against the statement that the effigy burning was malicious,” aniya.

“We express our strong reservation that the effigy burning was malicious as we consider such a part of protected free speech. The findings of a malicious burning of the effigy is not supported by facts and by law,” patuloy ni Reyes. RNT/SA

Previous article4 suspek sa pamumugot-ulo sa sekyu nahaharap sa patong-patong na kaso
Next articleKabayanihan ng SAF 44 inalala ni VP Sara