Manila, Philippines – May bagong development sa revamped Eat Bulaga.
Kung matutuloy raw ang negosasyon, soon to join Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Legaspi twins Mavy and Cassy is Bayani Agbayani.
Si Bayani raw ang latest na inaawitan ng pamunuan ng Tape, Inc. para maging co-host.
Tulad ng alam ng lahat, the last to have joined the new set of hosts ay si Isko Moreno.
Binigyan pa nga si Isko ng segment kasama si Buboy na G sa Gedli.
Pero mukhang magkakaroon ng problema sa side ni Bayani.
Balita kasing magbabalik ang Tropang LOL, hindi na sa TV5 kundi sa Net25.
Ang Tropang LOL ay prodyus ng Brightlight Productiins na pag-aari ni Albee Benitez
Ito ang pumalit sa time slot ng Face to Face hosted by Karla Estrada.
Between Tape, Inc. and Brightlight, alin kaya ang mas matimbang sa puso ni Bayani?
Malamang na mas gugustuhin ni Bayani to be reunited with his Tropang LOL co-hosts rather than grab Tape’s offer na hindi pa niya nakakatrabaho?
Kung sakali, inihahanda na ba ni Bayani ang kanyang sarili dahil tiyak makakatikim din siya ng pamba-bash mula sa mga netizens sympathetic to TVJ and the rest of the Dabarkads?
Hosting is not foreign to Bayani.
If ever, magiging asset siya sa bagong bihis na Eat Bulaga dahil natural ang brand of comedy niya.
Kung pagpapatawa rin lang ang pag-uusapan, ‘di hamak namang mas nakakaangat si Bayani kumpara kina Paolo, Betong at Buboy.
Still the question remains: sunggaban ba niya ang alok ng Tape, Inc.? Ronnie Carrasco III