MANILA, Philippines – Pinuna ng Agustinian priests ang pagsusuot ng vestment ng Sto.
Nino ni Binibining Pilipinas contestant sa Cebu.
Apela ng pamunuan ng Basilica Minore del Sto.NiƱo de Cebu, bigyan sana ng sapat na paggalang ang batang Hesus.
Ito ay makaraang mag-viral sa social media ang paggamit sa vestment ng imahe ni Bb.
Pilipinas contestant Joy Dacuron bilang national costume.
Ayon sa pahayag ng Agustinian priests, bagamat maraming paraan sa pagpapahalaga at pagpapakita ng debosyon ay dapat isagawa ito nang may pagpaparangal.
“Despite the many expressions of faith and devotion towards the Sto. NiƱo, it is also important to keep in mind the appropriateness of our actions. As Cebuano Catholics, the Sto. NiƱo has a profound religious and cultural importance to us. Let us approach and treat the Sto. NiƱo with reverence and respect in order to avoid conflict and misunderstanding,” bahagi ng pahayag ng Basilica.
Batid ng mga pari na sa kapistahan ng batang Hesus tuwing Enero ay maraming mga bata ang sinusuotan ng damit ng Sto. NiƱo subalit ito ay paraan ng pagtuturo sa mga bata sa kahalagahan ng debosyon.
Advertisement