Home ENTERTAINMENT Bday wish ni Baby Go, makabangon ang movie industry!

Bday wish ni Baby Go, makabangon ang movie industry!

Manila, Philippines – In full force ang mga bigating direktor na um-attend sa birthday celebration ng isa sa mga most loved movie producers na si Baby Go ng BG Films International.

In attendance sina direk Joel Lamangan, Buboy Tan, Louie Ignacio at Adolf Felix.

Siyempre, hindi nawala ang in-house line producer ng BG Films na si Dennis Evangelista.

Present din ang multi-awarded actor na si Allen Dizon na naging bida sa ilang mga pelikula ng BG Films.

Spotted din ang fellow movie producer/actress na si Kate Brios, Lance Raymundo, Ms. Charo Calalo, Angelica Jones, Janna Zaplan at marami pang iba.

Of course, in fulll support ang family and media friends ni Madam.

Nagbigay din ng mensahe si Go sa mga guests na present.

“Ang wish ko lang, sana after ng success ng MMFF 2023 ay magtuloy-tuloy na ang pagbangon ng pelikulang Pilipino. At sana, mas dumami pa ang mga movie producers na gagawa ng pelikula para makatulong sa mga movie workers.

“Alam ko naman na yung ilang movies na nag-open after MMFF, e, hindi naging maganda ang gross sales pero let’s pray na isolated case lang yan at malabangon na ng tuluyan ang industriya,” wish pa ni Madam Baby.

In behalf of Remate online family, HBD Madam Baby. JP Ignacio

Previous articleAlvarez dumepensa sa panawagang Mindanao secession
Next articlePBBM ‘dedma’ sa panawagang paghihiwalay ng ng Mindanao sa Pinas – Abalos