Home METRO BDO branch inararo ng Fortuner, 6 sugatan

BDO branch inararo ng Fortuner, 6 sugatan

MANILA, Philippines – Sugatan ang anim na katao matapos na araruhin ng isang Toyota Fortuner ang isang branch ng Banco De Oro (BDO) sa kahabaan ng Quirino Highway sa Barangay Pasong Putik, Quezon City nitong Huwebes ng hapon, ayon sa pulisya.

Bandang 5:30 p.m. ng Huwebes, Disyembre 28, isang Toyota Fortuner ang dumiretso sa pasukan ng BDO.

Kinilala ng pulisya ang driver ng sasakyan na si Edwin Balisong, 57.

Dalawang babaeng bank teller at apat na customer – dalawa sa kanila ay babae – ang nasugatan at lahat at dinala sa pinakamalapit na ospital, sinabi ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat ng pulisya, reverse ang ginagawa ng suspek nang mabangga niya ang isang nakaparadang sasakyan sa likuran niya sa labas ng branch ng BDO.

Pagkatapos ay sinubukan niyang huminto at sumulong. Pero imbes na itapak ang brake pedal ay inapakan niya ang accelerator, na bigla na lang itinulak ang Fortuner sa bangko.

Nasira rin nito ang mga teller’s booth sa likod ng establisyimento, bago tuluyang bumangga sa likurang dingding ng bangko. Santi Celario

Previous articleSirit-presyo sa LPG posibleng bumungad sa Bagong Taon
Next article3 patay sa sunog sa Malate!