Home ENTERTAINMENT Bea, may nadiskubre kay Dom!

Bea, may nadiskubre kay Dom!

Manila, Philippines- Totoo nga ba na ang isa sa mga dahilan ng biglang panlalamig ni Bea Alonzo sa nobyong si Dominic Roque ay ang natuklasan mismo ng aktres?

May kinalaman umano ‘yon sa nakaraan sa personal na buhay ni Dominic.

According to someone in the know, matagal na rin daw nitong alam ang tungkol dito.

Even way before the Bea-Dom relationship ay alam na ito ng aming source.

Pero wala kami sa posisyon para idetalye ito.

Asang-asa pa naman daw si Dom na sa tagal na ng panahong ‘yon ay baka “immaterial” na ‘yon kay Bea.

Pero hindi pala.

Naiulat ding isa sa mga dahilan ay ang pagtanggi ni Dom na pumirma sa pre-nup agreement.

Pero nilinaw na ito ni Boy Abunda sa February 6 episode ng Fast Talk.

Sa katunayan daw, si Dom pa ang nagpupumilit na magkaroon sila ng ganoong kasunduan ng kanyang nobya.

Bea’s mother could attest to this daw.

As regards Bea’s shocking discovery, tiyak na isa sa mga araw na ito’y matutukoy na kung ano ‘yon.

Ang latest, patuloy pa ring sinusuyo ni Dom si Bea kahit isinoli na nito ang engagement ring na ibinigay ng nobyo noong July 2023. Ronnie Carrasco III

Previous articleNAKAMAMATAY NA AMIHAN AT ULAN
Next articleKampo nina Bea at Dom, may patama!