Home ENTERTAINMENT Bea, aminadong selosa kay Dom!

Bea, aminadong selosa kay Dom!

Manila, Philippines- Sa isang panayam, sinabi ni Bea Alonzo na sa mga nakaraaang relasyon niya ay siya iyong tipong all mine to give.

Katunayan, hindi raw siya iyong jealous type pagdating sa kanyang mga naging boyfriend.

Dahil daw sa kanyang ugali, may disadvantage pala ito.

Sa sobrang tiwala niya sa lalake, dumating daw ang pagkakataong naloloko siya at minsan ay nago-ghost pa.

Madalas din daw na napagsasamantalahan ang kanyang pagtitiwala na minsan ay hindi siya aware.

Pero na-realize raw niya na sa pakikipagrelasyon ay dapat may itinitira sa sarili.

Hirit pa niya, nang maging nobyo raw niya si Dominic Roque, nagbago ang lahat.

Isa raw sa naa-appreciate niya sa fiancé ay ang pagiging maalaga nito.

Kapag daw kasi may taping siya ay dinadalaw siya nito na set pero hindi raw naman ito iyong klaseng nagde-demand ng kanyang atensyon.

Feeling din niya ay pampered siya kay Dom.

Love language daw nito ang service kaya naman pakiramdam niya ay espesyal siya kapag pinagsisilbihan siya nito.

Kung dati raw ay di siya nagseselos, aminado rin siyang nakakaramdam ng jealousy lalo na’t kapag nilalambing din ng fiancé ang iba niyang kaibigan.

“Kasi si Dom, ang love language niya, servicing. Ma-quality time siya. Gusto ko ako lang ginaganu’n niya. Pag ginagawa niya ‘yun sa iba niyang kaibigan, nagseselos ako,” sey niya. Archie Liao

Previous articleLalaki namaril sa loob ng opisina sa Cavite, 1 patay
Next articleP14B ng Comelec sa Cha-cha, kinwestiyon ng solon: Kailangan pa ba?