Home ENTERTAINMENT Bea at Dominic, magli-live-in muna?

Bea at Dominic, magli-live-in muna?

Manila, Philippines- Marami ang humanga kay Bea Alonzo sa galing niyang mag-pack sa luggage sa tuwing magta-travel abroad. Talagang organized ang mga gamit ng actress, maging ang mga toiletries ay maayos ang pagkakalagay.

Kaya naman maging ang kanyang mga kaibigang celebrity ay nakumbinse na gayahin siya kung paano ang tamang pag-impake ng mga gamit na dala-dala.

Makikita na ang packed stuff ni Bea ay nakalagay sa Bash, ang bagong business niya na travel atcosmetic bags at iba pa. Malalaman din ng mga tagasuporta ni Bea ang scope ng Bash kapag ito ay nai-launch na.

Katatapos pa lang ni Bea ng pictorial at baka kasunod na ang launching ng Bash.

Marami rin ang nagandahan sa sinabi ni Bea na ang kanyang precious jewelry ay ang engagement ring niya.

Ibinahagi naman ng kanyang fiance na si Dominic Roque na mas cute si Bea kapag t-shirt at shorts lang suot.

Sa unang pagkakataon ay matitirhan na rin ni Bea ang bahay na nabili niya sa Madrid, Spain.

Sabi pa niya na susubukan niyang mag-house tour sa nabiling property.

Kasama niya ang fiance na si Dominic sa kanyang trip to Europe.

Nag-react ang mga Maritess:
“Hindi kaya mauna ang honeymoon sa kasal nila?”

Komento naman ng isa, “Baka trial marriage muna para tuluyan nilang makilala ang isa`t-isa.”

“Titira sila sa isang bubong, di ba parang nag-live-in na sila roon?”

Ang mga Maritess talaga, advance mag-isip. Gerry Ocampo

Previous articleHip injury ni Davis, minaliit ng Lakers
Next articleKapatid ni Arnie Teves tatakbo sa NegOr special polls