Home ENTERTAINMENT Bea at Julia, bati na; Darren, namagitan!

Bea at Julia, bati na; Darren, namagitan!

Manila, Philippones – Maraming dapat ipagpasalamat kay Darren Espanto.

If it were not for his intervention, baka hanggang ngayo’y may pader pa ring nakapagitan kina Bea Alonzo at Julia Barretto.

Ikinatuwa nga ng maraming fans ang pagkikita’t pagbeso-beso ng “noon” at “ngayon” sa buhay ni Gerald Anderson.

Naganap ito sa surprise birthday party ng 77 anyos na star builder na si Mr. Johnny Manahan o Mr. M sa Resorts World Manila nitong Sabado ng gabi.

What a sight to behold ngang makita sina Bea at Julia as if no issue ever took place between them years ago.

Common knowledge na si Julia ang tinuturong third party sa hiwalayang Bea-Gerald, which was later proven wrong.

Sayang, hindi naka-attend si Gerald dahil may show daw ito sa Mindanao.

Gayunpaman, credit should go to Darren na nagsilbing tulay para magkaayos na sina Bea at Julia.

Ang tanong: mapanindigan kaya ni Darren ang pagiging “peace negotiator” para pag-ayusin naman ang rumored girlfriend niyang si Cassy Legaspi at si Kyline Alcantara na naugnay sa kambal nitong si Mavy?

O baka naniniwala rin sina Cassy at Kyline na hindi naman exactly malayong mangyari ang kanilang pagbabati since they belong to the same network?

Siyempre, bawat reconciliation naman is a matter of time.

In the case of Bea and Julia, close to three years na ang isyu sa kanila, too long to still harbor ill feelings toward one another.

Totoo nga ang kasabihang “Time heals all wounds.”

And yes, there’s such a thing as moving on. Ronnie Carrasco III

Previous articleImbestigasyon ng Bohol Task Force Chocolate Hills resort gumulong
Next articleHigit-kumulang 20 suspek sa Ramadan ambush sinisilip ng AFP