Home ENTERTAINMENT Bea-Dom wedding, may pasilip!

Bea-Dom wedding, may pasilip!

Manila, Philippines – Tiyak na tiyak nang sa ikalawang quarter na ng taong ito idaraos ang pag-lisang-dibdib nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

‘Yun nga lang, nananatiling pahulaan which month sa second quarter ang kasal: April, May or June?

Pero most likely, Bea raw would choose to be a June bride.

Destination wedding nga ang plano ng magkasintahan, which means sa ibang lugar at hindi magaganap sa Metro Manila ang kasalan.

At the moment, Bea and Dom are still in the process of finalizing their list of principal sponsors.

Gayundin ang entourage who will join the march.

Pag-amin ni Dom, it’s his wouldbe-wife who’s more hands on in the wedding preparations.

Naiirita nga raw minsan si Bea dahil parang hindi masyadong involved ang nobyo.

But asking his male friends around na may mga sarili na ring pamilya, it’s the girls na mas tutok noong ikasal ang mga ito.

With the help of their common friends kung kaya’t Bea’s job daw becomes a lot easier.

Sa kabila ng less involvement ni Dom, in fairness ay meron din naman daw siyang input o suggestion which Bea welcomes very much.

Summing it all up, ang kina Bea at Dom ay isang Christian wedding to take place outside the country.

As for Bea, she can’t wait na magkaroon na ng anak, at ito raw ang top priority nila ni Dom.

Puwes, go and multiply! Ronnie Carrasco III

Previous article50 Chinese ships umaaligid sa Ayungin Shoal – analyst
Next articleDOJ muling makikipagpulong sa pamilya ng missing sabungeros