Home ENTERTAINMENT Bea, pinayuhang magpa-freeze ng itlog!

Bea, pinayuhang magpa-freeze ng itlog!

Manila, Philippines- Is there a chance that Bea Alonzo will heed the advice of many na magpa-freeze na rin ng itlog?

Nadagdagan kasi ang mga nagmamalasakit sa aktres ngayong hindi na nga matutuloy ang pag-lisang-dibdib nila ni Dominic Roque.

What most people are more concerned about ay ang edad ni Веа.

At 36 now, nangangamba ang mga concerned citizens na baka mahirapan na raw magbuntis ang Kapuso actress.

Pero may inhaing option o payo naman ang mga ito, that is, for Bea to have her eggs frozen.

Pretty soon daw ay si Bea ang madadagdag sa listahan ng mga artista na piniling ipa-freeze ang kanilang itlog.

Nagawa na ito nina Jennylyn Mercado at Iza Calzado and many others.

Bagama’t dumating din ang time na nagbuntis sina Jen at Iza, at least, naka-stand by lang ang kanilang respective eggs.

Ang sa mga netizens concerned about Bea ay “just in case” lang naman.

Mas inlisip ng mga ito ang timeline which includes: kelan pa kaya magkakaroon ng nobyo si Bea who she will end up marrying?

Alangan naman daw bagu-bago pa lang bilang magnobyo ay kasal na kaagad ang kasunod?

Dahil 36 na nga naman si Bea ngayon, how old will she then be?

Nasa forties na? Isn’t that age kinda late to get pregnant?

Pero siyempre, it’s Bea and Bea alone who can decide what’s best for her.

For sure, appreciative naman siya sa payo ng mga netizens. Ronnie Carrasco III

Previous articleKumakalat na nag-aalok ng pekeng scholarship online ibinabala ng DepEd
Next articlePH Air Force nakatanggap ng C-130 aircraft mula US