Home ENTERTAINMENT Bea, suot ulit ang engagement ring, nakipagbalikan kay Dom?

Bea, suot ulit ang engagement ring, nakipagbalikan kay Dom?

Manila, Philippines- Marami ang hindi lang basta naniniwalang nagkabalikan ang magkasintahang Bea Alonzo at Dominique Roque.

Umaasa pa.

Nahihirapan daw tuloy ang mga netizens na hayaang humulagpos ang kanilang pag-asa batay na rin sa recent post ni Bea.

Sa Instagram page kasi ng negosyong bag ni Bea ay agaw-pansin na suot nitong muli ang kanyang engagement ring.

Mismong si Ogie Diaz na rin ang nag-ulat sa kanilang Showbiz Update online program na hindi naman para isuot ‘yon uli ni Bea kung hindi sila nagkabalikan ng nobyo.

The fact that Bea came out with a recent post showing her engagement ring back on her finger ay malinaw that she and Dom are back in each other’s arms.

Inamin ni Ogie na welcome news ito kung ganoon para sa kanilang mga tagasuporta.

Ogie admits to be a big supporter of the couple.

‘Yun nga lang daw, nang kulitin siya ng mga nakatsikahan niya sa recent birthday celebration ni Senator Jinggoy Estrada’y wala siyang konkretong maisagot sa pag-uusisa tungkol sa Bea-Dom reconciliation.

Gayunpaman, nauunawaan daw ni Ogie ang posisyon ng couple.

Posibleng mas nag-iingat na raw sila ngayon given the toxicity of social media na nakasira rin ng kanilang relasyon.

Having learned their lesson, posibleng palihim o patago kung nagkikita these days ang magnobyo.

Pero tinitiyak ni Ogie na isang araw ay gugulatin na lang daw ng couple ang mga netizens.

May kinalaman kaya ‘yon sa matutuloy na nilang pag-iisang-dibdib? Ronnie Carrasco III

Previous articleMabagal na daloy ng trapiko asahan mula March 15 ‘gang 17 sa tunnel boring machine transport
Next articleWebsite ng Kamara nakaranas ng cyberattack