Home HOME BANNER STORY Bebot kulong sa shabung ibinalot sa condom, ipinasok sa ari

Bebot kulong sa shabung ibinalot sa condom, ipinasok sa ari

MANDAUE CITY- SA kagustuhan mabigyan ng regalo ang kinakasama sa male dormitory facility para sa Valentines Day, selda ang kinasadlakan ng isang babae matapos mahulihan ng shabu na ipinasok sa kanyang ari nitong Martes sa Mandaue City Jail sa Barangay Basak.

Ayon kay Jail Supt. Jonathan Bartal, Warden ng Mandaue City Jail, bandang 2:30 PM nagtungo ang suspek na itinago sa pangalan Katrina, 27, para dalawin ang nakakulong nitong live-in partner na may kasong Rape.

Pagdaan sa jailguard ni Katrina, kinapkapan ito hanggang sa madiskubre ang nakabukol sa kanyang kaselanan .

Nakasuksok pa sa ari ng suspek ang keypad cellphone, 7-tin foil strips at 1 pakete ng shabu na ibinalot sa condom at tinatayang aabot sa 2 gramo ang bigat ng shabu.

Sinabi ni Bartal, na posibleng gagamitin sana ng mga suspek ang shabu ngayon Valentines Day.

Inihanda na ang kasong isasampa laban sa suspek./Mary Anne Sapico

Previous articleDMW nagbabala sa publiko vs illegal student, tourist visas scheme
Next articlePagtatanim ng marijuana, cannabis product tablado sa DOH