Home METRO Bebot na online seller timbog sa P189K shabu

Bebot na online seller timbog sa P189K shabu

MANILA, Philippines – ARESTADO ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Las Pinas Police Station ang isang babaeng online seller matapos na kumagat sa pain ng poseur buyer sa isinagawang buy bust operation bandang ala-1:50 ng madaling araw nitong Miyerkules, Oktubre 25 sa Upper Laong Almanza Uno, Las Piñas City.

Kinilala ng Las Piñas City Police ang suspek bilang si alyas Mirriam, 23 anyos.

Nakumpiska ng mga pulis sa pag-iingat ni alyas Mirriam ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 27.8 gramo at tinatayang aabot sa P189,040.00 ang halaga.

Dagdag dito, narekober din sa suspek ang isang violet Huawei Nova 5T model YAL-L21, isang coin purse at tatlong tig-₱100 bills na ginamit na buy bust money sa operasyon.

Nahaharap ngayon ang suspek na online seller sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, ng Art II ng RA 9165 o paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002. Dave Baluyot

Previous articleAgresibong aksyon ng China sa WPS kinondena ni Bong Go
Next articleYoung scientists hinimok ni Tolentino na ibida ang maritime ecosystem ng bansa