Sa pagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ operations ay nahulihan ng mga miyembro ng Las Piñas police Tactical Motorcycle Riders Unit (TMRU) ang isang babae na may dalang shabu at baril, Huwebes ng gabi (Mayo 18) sa lungsod.
Kinilala ni Las Piñas police chief P/Col. Jaime Santos ang inarestong suspect na si Maricel Fultura, 40, habang ang kanyang kasamahan na kinilalang isang alyas “Lolong” ay mabilis na nakatakas.
Base sa report na isinumite kay Santos, si Fultura ay nadakip dakong alas 11:30 ng gabi sa Padre Diego Cera, Barangay Pulanglupa, Las Piñas City.
Ayon kay Santos, habang nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ ang mga tauhan ng TMRU ay sa nabanggit na lugar ay paparating ang motorsiklo na minamaneho ni Lolong na nakaangkas si Fultura kung saan medyo may kalayuna pa lamang sinita ng mga operatiba ang dalawa dahil wala silang suot na helmet.
Advertisement
Sa pagkakataong ito ay agad na nagmaniobra at nagbago ng direksyon si Lolong upang makaiwas sa checkpoint ngunit aksidenteng nahulog si Fultura na nagresulta ng kanyang pagkakaaresto habang tuluyang nakatakas si Lolong.
Narekober sa posesyon ni Fultura ang 1.4 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P9,520.
Sinabi ni Santos na bukod pa sa shabu ay nakumpiska kay Fultura angisang kalibre .45 pistola na kargado ng dalawang bala at perang nagkakahalaga ng P31,000 na nakalagay sa kanyang dalang sling bag.