Home METRO Bebot niratrat sa loob ng piggery farm, dedbol

Bebot niratrat sa loob ng piggery farm, dedbol

ILOCOS SUR-Patay ang isang 22-anyos na babae matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa loob ng kanyang piggery farm sa Brgy. San Mariano, Bantay ng lalawigang ito nitong Lunes, Enero 15.

Kinilala ng Bantay Municipal Police Station ang biktima na si Berna Sheila Paac y Daria, 22, walang asawa residente ng naturang lugar.

Bandang 10:15 ng umaga ay nakatanggap ng phone call ang Bantay MPS mula sa isang concerned citizen tungkol sa shooting incident sa naturang lugar.

Ayon kay Judelyn Doria Daria, pinsan ng biktima, tinawagan siya ni Florence Jane Daria at sinabi nitong binaril ng hindi nakilalang suspek si Berna.

Dahil dito, agad na nagtungo sa naturang piggery farm si Judelyn at pagdating nito doon ay nakita niya ang kanyang pinsan na duguan dahil sa mga tinamo nitong multiple gunshot sa katawan.

Ang biktima ay agad na isinugod sa Ilocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang ng mga rumespondeng personnel ng MDRRMO-Bantay.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino o sino-sino ang mga salarin. Rolando S. Gamoso

Previous articlePaglipat ng 14 Embo schools mula Makati sa Taguig naging maayos – DepEd
Next articleNo. 5 most wanted person timbog sa Pasay