Home METRO Bebot patay sa Christmas lights sa Dapitan City

Bebot patay sa Christmas lights sa Dapitan City

DAPITAN CITY-PATAY ang isang babae matapos makuryente sa Christmas lights sa plaza sa Dapitan City, Biyernes, Disyembre 15, sa probinsya ng Zamboanga del Norte.

Hindi na umabot pang buhay  sa ospital ang biktima na binanggit lamang sa pangalan ‘Carmi,’ 24-anyos at residente ng Barangay Silawe, Polanco ng nasabing lungsod.

Ayon kay Lieutenant Colonel Romar Victoriano Lim, hepe ng Dapitan City police, bandang 7:30 PM ng maganap ang insidente sa plaza ng naturang lungsod.

Sinabi ni Lim, namamasyal lamang sana ang biktima kasama ang kanyang 5-taon na pamangkin babae para saksihan ang kumukuti-kutitap na higanteng Christmas lights sa kanilang bayan.

Habang nakaupo ang biktima sa stainless steel railing bigla na lamang itong nagkikisay hanggang sa bumagsak ito sa mga halaman.

Agad naman dinala sa Dr. Jose Rizal Memorial Hospital ang biktima para sa karampatang lunas subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Sa ngayon ay pansamantala munang pinatay ang Christmas lights sa plaza para sa gagawing imbestigasyon.

Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng Dapitan City na magbibigay ng tulong pinansyal at suporta sa pamilya ng biktima./Mary Anne Sapico

Previous articleGaling sa X-mas party, 2 stude tigok sa tumalon na motor sa bangin
Next articleSahod, benepisyo sa barangay workers pinag-aaralan ng DILG