Home METRO Bebot pinagbabaril ng ex-boypren sa loob ng iskul

Bebot pinagbabaril ng ex-boypren sa loob ng iskul

GUIMARAS – Patay matapos pagbabarilin sa loob mismo ng eskuwelahan ang isang babaeng estudyante. Ang suspek sa krimen ay ang dati niyang ex-boyfriend na estudyante rin.

Lumalabas sa imbestigasyon na gustong makipagbalikan ng suspek sa babaeng biktima. Habang nagtatalo, napag-alaman na armado ang lalaki.

Bunsod na rin ng selos ay babariln sana ng suspek ang kaibigang lalaki na kasama ng babae noon pero pinigilan siya ng biktima.

Dito na nabaril sa ulo ang babae habang nadaplisan naman ang lalaking kaibigan.

Nakikipagtulungan na ang mga awtoridad sa eskwelahan.

 Nahaharap sa reklamong murder at frustrated murder ang suspek. RNT

Previous articleMarck Espejo bumitiw sa Cignal
Next articlePVL: Farm Fresh handang maghintay sa paggaling ni Jolina Dela Cruz