Home METRO Bebot pinatay matapos pagnakawan

Bebot pinatay matapos pagnakawan

349
0

MANILA, Philippines – DUGUAN nang matagpuan ng mga rumespondeng Barangay Tanod ang isang babae sa loob ng banyo na agarang ikinasawi nito makaraang pagsasaksakin at pagnakawan ng mga hindi nakilalang nanloob sa tahanan nito sa Barangay Laram, San Pedro, Laguna.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Razel Bautista, nasa hustong gulang, naninirahan sa nabanggit na lugar.

Dead on arrival ang biktima sa pinakamalapit na ospital dahil sa tinamong saksak sa katawan.

Base sa inisyal na report ng San Pedro City Police Station dakong alas-10:50 ng umaga nang matagpuan ito ni Melanio Santos na duguan ang biktima sa loob ng banyo kung saan kaagad na humingi ng tulong sa mga barangay tanod para isugod sa pagamutan ang biktima, subalit kaagad na binawian ng buhay.

Napag-alaman sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay nagsosolo lang sa kanyang bahay nang looban ito ng mga suspek at natuklasan na mayroong mga kagamitan na nawawala sa loob ng bahay ng biktima.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon para sa agarang ikadarakip ng mga suspek. Ellen Apostol

Previous article1 utas sa karambola ng 3 sasakyan
Next article102 ex-MILF, MNLF fighters nagsimula na sa police training sa BARMM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here