Home METRO Bebot sugatan sa riding-in-tandem

Bebot sugatan sa riding-in-tandem

ILOCOS NORTE- Sugatan ang isang 39-anyos na babae matapos na pagtangkaang itumba ng riding-in-tandem sa Brgy. 26, Laoag City ng lalawigang ito kagabi, Agosto 16.

Kinilala ng Laoag City Police Station ang biktima na si Rosefrida Mariano Domingo, 39, residente ng Brgy. 27 ng naturang lungsod.

Nakasakay sa kanyang Toyota Fortuner ang biktima nang lapitan at barilin ng dalawang hindi nakilalang suspek na magkaangkas sa isang Yamaha Mio motorcycle.

Matapos na barilin ang biktima, agad na tumakas ang mga suspek.

Agad naman dinala ng mga rumespondeng PNP personnel ang biktima sa Gov. Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital, Laoag City, Ilocos Norte. Rolando S. Gamoso

Previous articleKahit nagmamatigas, Tiglao ipatatawag sa Senado sa Ayungin shoal issue
Next article5 biktima ng human trafficking sakay ng RoRo, nasagip sa Batangas Port